Video unavailableClick the play button below to listen audio.

Sponsored

Kay tagal naring naghahanap
Pagmamahal na sadyang wagas
Isang paglingap na magbibigay
Sa aking buhay ng tibay at lakas

Sa dinami ng daang tinahak
Tanging sayo pala ang kasagutan
Panginoong mahal Ikaw palang may hawak
Susi sa ligayang magpakailanman

Refrain 1
Ikaw pala ang nagbibigay liwanag at pag-asa
Tila isang ngiti na sa aki’y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal na walang hanggan

Kay gaan ng puso at damdamin
Ngayong Ika’y nasa aking buhay
Anong pagsubok man Ika’y nakaalalay
Kaibigan Kang hindi malilimutan

Repeat Refrain 1

Bridge
Gano man kadalas kitang talikuran at saktan
Pagpapatawad ay agad lagi Mong laan
Kailan pa man Ikaw parin
Handa akong tanggapin
Tanggapin

Refrain 2
Ikaw pala ang nagbibigay liwanag at pag-asa
Tila isang ngiti na sa aki’y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal, Gabay at pagmamahal
Na walang hanggan

Sponsored

1.6K views