Video unavailableClick the play button below to listen audio.

Sponsored

Nung una ang akala ko
Ang buhay ko ay di na magbabago
At kahit ano pang gawin
Ako’y bumabalik sa maling gawain

Marami na akong sinubukan
Kung sino-sinong nilapitan
Nang halos ako ay sumuko na
Si Hesus ay nakilala

Chorus
Ang aking buhay ay binago Nya
Magmula nang ako’y magpasya
Sa aking puso’y pag hariin Siya
Anong himala ako’y nag-iba
Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Nya sa langit pupunta
O kay buti ng Dios at ako’y binago Niya

Lumipas ang mga taon
Lalong naging tapat ang Panginoon
Sa aking mga pagkukulang
Siya ang nagtutuwid sa aking daan

Kung iisipin ko lamang
Sa kahapon ko Siya ang kulang
Sa aking mga kailangan
Higit Siya sa sino pa man

Repeat Chorus

Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Nya sa langit pupunta
O kay buti ng Dios at ako’y binago Niya
Binago Niya…
Magmula nang ako’y magpasya
Sa aking puso’y pag hariin Siya
Anong himala ako’y nag-iba
Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Nya sa langit pupunta
O kay buti ng Dios at ako’y binago Niya

Sponsored

819 views