Video unavailableClick the play button below to listen audio.

Sponsored

Mula sa putik ako’y hinango
Nilinis at binago
Walang kasing dakila
Ang pag-ibig Mo

Di ko malilimutan
Ang Iyong mga kabutihan
Habang ako’y nabubuhay
Ito ay taglay

Refrain 1
Labi ko’y sambit ang papuri
Puso ko’y umaawit
Dios ngayon at kailanpaman
Dakila ang Iyong kabutihan

Ang buhay ko’t kalakasan
Sa’Yo lamang ilalaan
Bilang isang pag-aalay
Sa’Yong harapan

Refrain 2
Di man sapat upang maiganti
Ang lahat kong inaari
Dios buong pagkukumbabang
Aking sinasambit

Chorus
Sinasamba kita
Pinupuri kita
Ang pangalan Mo’y itataas
Sinasamba kita
Pinupuri kita
Dios sa buhay ko’y dakila Ka

Repeat 3rd stanza, Refrain 2, & Chorus

Bridge
Alam kong puso ko’y nakita Mo
Hatulan Mo ayon sa pag-ibig Mo
Itong buhay ay inaalay ko
Ito ang tanging magagawa ko
Hooo…

Repeat Chorus 2x

Dios sa buhay ko’y dakila Ka

Sponsored

1.2K views