Video unavailableClick the play button below to listen audio.

Sponsored

Di ko akalain na sinapit ko
Ang kinalalagyan ngayon
Para bang isang bagyong
May lakas na signal number four
Yung tipong di mo ginusto
Pero tiyak na ramdam mo
Ang tibok ng iyong puso
Teka Lord sandali lang
Galing ba to sa Iyo?
Gusto kong manigurado
Ayokong lumayo sa plano Mo
Dahil the best yung galing sa’Yo

Chorus
Ayokong lumayo sa kalooban Mo
Kung itong nadarama’y
Hindi galing sa’Yo
Please Panginoon pakitanggal po
Ayokong pangunahan ang plano Mo
Pero kung siya na talaga
Lord God tulungan Mo’ko ha?
Ayokong mabulilyaso ang plano Mo

Haaa… haaa…

Di ko inasahan o sadyang pinilit
Kinalalagyan ngayon
Di naman kasi ako nabighani
Sa kanya noon
Yung kusa kang nagkagusto
Simula nang matanto na siya’y nagbago
Mula no’ng siya’y nagseryoso
Binigay buong puso kay Hesu Kristo
Ayokong lumayo sa plano Mo
Dahil the best yung galing sa’Yo

Repeat Chorus

Siguradong ‘di kami nag-iisa
Sa kinalalagyan ngayon
May mga batong tumama
Sa mga nakikinig sa’min ngayon
Matatapos na ang kanta
Nakakarelate ka na
Natamaan ka na rin diba?
Wag mo na tong ika-ila
May hiya hiya ka pa
Gan’to rin ang prayer mo diba?
Ayokong lumayo sa plano Mo
Dahil the best yung galing sa’Yo

Chorus 2
Ayokong lumayo sa kalooban Mo
Kung itong nadarama’y
Hindi galing sa’Yo
Please Panginoon pakitanggal po
Ayokong pangunahan ang plano Mo
Pero kung siya na talaga
Lord God tulungan Mo’ko ha?
Ayokong mabulilyaso
(2x)
Pero kung siya na talaga
Lord God tulungan Mo’ko ha?
Ayokong mabulilyaso
(2x)
Ang plano Mo

Haaa… haaa…

Sponsored

2K views