Video unavailableClick the play button below to listen audio.

Sponsored

Di ko maipaliwanag ang nadarama ko
Nang Ika’y makilala at tanggapin sa aking puso
Mundo ko’y biglang nagbago
At ang gulo sa buhay pinalipas Mo

Madilim ko’ng isipan ay nagliwanag na sa’Yo
Nang lakaran ko ang Iyong daan na siyang Iyong pangako
Kay tamis ng Iyong pagmamahal
Gayon na lang ang pagpasalamat ko sa Iyong ngalan

Refrain 1
Di na magbabago ang pag-ibig ko sa Iyo
Di na magbabago ang pagtawag ko sa pangalan Mo
Gumuho man ang mundong ito
Pinili ko’ng sumunod sa’Yo

Di aking nakikita ang mga layunin Mo
Na maging karapat-dapat sa pagsunod sa’Yo
Pawiin Mo ang kapaguran ko
Upang magaganap ko ang banal na kalooban Mo

Repeat 2nd stanza, & Refrain 1

Refrain 2
Di na magbabago ang pag-ibig ko sa Iyo
Di na magbabago ang pagtawag ko sa pangalan Mo
Gumuho man ang mundong ito
Di na magbabago ang pag-ibig ko sa Iyo
Di na magbabago ang pagtawag ko sa pangalan Mo
Gumuho man ang mundong ito
Pinili ko’ng sumunod sa’Yo
Pinili ko’ng sumunod sa’Yo

Sponsored

771 views