Bro. Jun

Video

#TangingKanlungan๐Ÿ˜‡๐Ÿ™

Langit ay lubhang maulap
Araw ay di maaninag
Ang gabi ay walang bituin
Landas mo ay kay dilim
Di matanaw ang liwanag
Kaibigan ko ikaw bay nag-iisa
Buhay mo’y puno ng pangamba
Dilim ay di magtatagal
Liwanag ay muling daratal
Wag mawawala ng pag-asa

Liwanag ay muling sisikat sa landas mo
Mayrong bagong pag-asang naghihintay sayo
Pagsubok man ay dumating sa buhay mo
Si Hesus lang ang tanging kanlungan mo.

Ang landas ba ngayong nilalakbay
Kay kipot at tila ba walang hanggan
Pag-asa mo ay napapawi
Naging luha ang iyong ngiti
Kasawia’y iyong tinataglay
Ngunit ngayon narito ang kanyang kamay
Nakahandang sayo’y gumagapay
Pasanin mo’y kanyang babathin
Landas mo’y pagliliwanagin
Muling bagong umaga’y darating.

Liwanag ay muling sisikat sa landas mo
Mayrong bagong pag-asang naghihintay sayo
Pagsubok man ay dumating sa buhay mo
Si Hesus lang ang tanging kanlungan mo.

Liwanag ay muling sisikat sa landas mo
Mayrong bagong pag-asang naghihintay sayo
Pagsubok man ay dumating sa buhay mo
Si Hesus lang ang tanging kanlungan mo

Si Hesus lang ang tanging kanlungan mo…

Si Hesus lang ang tanging kanlungan mo….

Sponsored

Sponsored

Sponsored