Video unavailableClick the play button below to listen audio.
Minsan ang takbo nang buhay
Paghihirap walang humpay
Puno nang lungkot at nang lumbay
May panghihinang sumasabay
Minsan naisip na lumayo
Kahit pangarap ma’y gumuho
Naisipan na ngayo’y susuko
At sasamang lalo
Chorus
Di ko inasahang ako’y tinawag Nya
Buhay ko ngayo’y nagkaroon nang sigla
Nakamit tunay na ligaya
Nilalasap ko nang lubusan ang pagmamahal Nya
O kay sarap mabuhay na kapiling S’ya
Ohhh…
Isip ko’y naliwanagan
Sa tunay na kahalagahan
Nitong buhay na puno nang kasawian
Ngayon ang Dios may inilaan
Pangako Nya’y walang hanggan
Na buhay sa bawat isa
Habang buhay na Sya’y kasama
Sa paraiso Nya
Repeat Chorus 2x
O kay sarap mabuhay na kapiling S’ya
Ohhh…